Book a Free Consultation

Let’s get started.

Request a free consultation
Incomplete field(s). Please fix the errors and try submitting again.

Mga injury lawyer na nagsasalita ng Tagalog

';

Isa kaming law firm na naka-focus sa injury, insurance, at kapansanan na pinapatakbo sa buong Atlantic Canada. Tinutulungan namin ang mga tao sa buong Atlantic Canada na na-injure sa isang aksidente o tinanggihan ng mga benepisyo sa kapansanan.

Kapag na-injure ka sa isang aksidente o tinanggihan ng mga benepisyo sa kapansanan, makakatulong sa iyo ang pakikipag-ugnayan sa aming law firm para masiguradong makukuha mo ang settlement na nararapat sa iyo.

Request a free consultation - TAGALOG
Incomplete field(s). Please fix the errors and try submitting again.

Bakit kailangan mo ang MacGillivray Injury Law

Sa loob ng 30-taong kasaysayan ng kumpanya, pinahusay ng MacGillivray Injury Law ang mga proseso nito para makapaghatid ng propesyonal na serbisyong legal sa aming mga kliyente. Dahil injury at insurance ang tanging focus ng MacGillivray Law, naiintindihan namin kung ano ang pinagdadaanan ng aming mga kliyente at kung gaano kahirap at nakaka-stress ang proseso. Hinubog ng deka-dekadang karanasan ang aming mga proseso para maibsan ang ilan sa mga stress at paghihirap na maaaring harapin ng aming mga kliyente sa panahon ng natamong injury.

Nangunguna ang MacGillivray Law pagdating sa teknolohiya sa mundo ng batas. May taglay ang aming team na cutting edge file management at client communication tools para masiguradong hindi kami mahaharap sa mga internal na pagkaantala at makakapag-focus sa iyo at sa iyong kaso.

May mga bentahe ang pagkontrata ng abogado agad matapos magka-injury dahil sa isang aksidente sa kotse. Maaari nitong pabilisin ang iyong kaso, maaaring maisali ng abogado ang mga tamang eksperto, protektahan ang iyong mga karapatan kapag nagbibigay ng mga pahayag, tumulong na makakuha ng coverage para sa medikal na paggagamot, magbigay ng kapayapaan ng isip sa panahon ng proseso, at bigyan ka ng lamáng sa pagkuha ng patas na kabayaran.

  1. Bilis: Hawak ng mga kumpanya ng insurance ang oras nila habang kinakailangan ng taong may injury ng mas mabilis na resolusyon para mapagaan ang mga pinansyal na pressure.
  2. Ekspertong Ebidensya: Kahit sa mga simpleng kaso, maaaring kailanganin ng isang injured na tao na magbigay ng ebidensya mula sa mga doktor at provider ng paggagamot sa isang tagahatol. Sa mga kaso ng mas malubhang injury, maaaring mangailangan ang injured na tao ng mga opinyon mula sa mga eksperto kabilang ang mga medikal na espesyalista, mga inhinyero, at mga eksperto sa ekonomiya para maghain ang mga tagahatol para sa kanila para mabigyang-katwiran ang pagbabayad na nararapat sa iyo. Alam ng mahusay na abogado kung ano ang kailangan nila at popondohan ang gastos sa pangangalap ng mga ulat na ito para sa iyo.
  3. Mga Pahayag: Ang mga bagay na sinasabi mo o ang paraan ng pagsagot mo sa mga tanong ay maaaring mabaluktot at gamitin laban sa iyo kalaunan. Sa tulong ng abogado, magkakaroon ka ng suporta para maiwasan ang mga karaniwang dagok at siguraduhing malinaw ang iyong mga pahayag at hindi mamamali ng interpretasyon.
  4. Medikal na Paggagamot: Mahalaga ang medikal na paggagamot sa iyong kaso at sa iyong paggaling. May tungkulin kang ibsan ang mga pinsala sa iyo o subukang umigi, kaya dapat mong sundin ang mga rekomendasyon ng iyong medical team para sa medikal na paggagamot at mga tulong. Minsan, mahirap makakuha ng pagpopondo para sa paggagamot mula sa sarili mong kumpanya ng insurance. Ang mahusay na abogado ay may mga kasangkapan para hikayatin ang iyong sariling kumpanya ng insurance na siguraduhing maayos nilang pinopondohan ang iyong medikal na paggagamot.
  5. Kapayapaan ng Isip: Sa mga car accident insurance coverage, may mga hindi inaasahan, pagpapabago-bago, at salimuot. Trabaho ng iyong abogado na unawain ang iyong mga partikular na kalagayan at ilapat ang batas at mga benepisyong available sa mga iyon. Dapat subaybayan ng abogado ang mga timeline at siguraduhing walang mapapalampas. Nandiyan ang isang mahusay na legal team para bigyan ka ng kasiguraduhan at makatulong na bawasan ang nararamdaman mong stress, para malaman mong wala kang dapat ipag-alala at wala kang ginagawang mali.
  6. Lamáng: Kapag nakikipagnegosasyon sa mga kumpanya ng insurance, posibleng maramdaman mo na may lamáng ka kapag nagbanta kang magha-hire ng abogado. Kahit na tumpak ang pagkakatantya mo sa iyong kaso, hindi sapat ang pagbabanta lang na mag-hire ng abogado. Para makalamang, kailangang maayos na maidokumento ang kaso nang may tamang ebidensya para mabigyang-katwiran ng insurance adjuster ang settlement sa mga insurance executive na nangangasiwa sa kanila. Mahinang banta ang pagbabanta na mag-hire ng abogado at hindi ikababahala ng kumpanya ng insurance. Malaking pagkakaiba ang magagawa ng pagkakaroon ng abogado na makakapagtipon sa ebidensya at magagamit ang proseso para makatulong na makakuha ng patas na settlement.
Request a free consultation - TAGALOG
Incomplete field(s). Please fix the errors and try submitting again.

Pagkilala ng Mga Peer

Mga award mula sa aming mga peer na nagpapakita na kami ang mga nangungunang personal injury lawyer sa Atlantic Canada.

Ang Aming Team

Sa MacGillivray Law, may team kami ng 34 na abogado, 26 na paralegal at 51 na support staff na nagtutulungan para maghatid ng mga propesyonal at taos-pusong serbisyong legal sa aming mga kliyente. Sa kabuuan, sinisigurado ng aming team na mahigit 1,500 kliyente ang nabayaran noong 2023.

Nagsasalita ang team namin ng 12 wika, kabilang ang Tagalog. Magiging komportable ka dahil alam mo na mayroon kang legal team na nagsasalita ng iyong wika at nauunawaan ka.

Libre ang mga konsultasyon.

Kung gusto mong malaman ang iyong mga legal na opsyon nang walang obligasyon, kontakin kami ngayon para mag-set ng libreng konsultasyon.

Request a free consultation - TAGALOG
Incomplete field(s). Please fix the errors and try submitting again.

Hindi ka sisingilin bigla.

Babayaran lang kami kung hahantong sa paborableng kalalabasan ang iyong kaso. Ang contingency fee ang pinagkasunduang porsyento ng napanalunang settlement.

Ano ang unang hakbang?

Kapag nakontrata na, kakalapin namin ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon at ebidensya para sa file mo. Gumagawa kami ng mga hakbang patungo sa pagsasampa ng iyong kaso sa korte at makikipag-ugnayan kami sa mga tao at/o entity na sasampahan namin ng claim.

Request a
Free Consultation

If you would like to learn your legal options at no obligation, contact us today to set up a free consultation.

Request a free consultation
Incomplete field(s). Please fix the errors and try submitting again.